Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kongreso werpa kailangan sa mandatory bakuna

0 104

Maaaring hilingin ng Malacañang sa Kongreso na magpasa ng batas para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin ang mga patuloy na nagmamatigas na magpabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Roque na mangangailangan ng batas o kaya ay ordinansa para gawing compulsary ang pagbabakuna para hindi na kailangang pilit-pilitin pang magpabakuna ang mga taon.

“Madali naman pong i-request iyan sa Kongreso dahil alam din ng Kongreso ang importansiya nitong pagbabakuna,” ani Roque.
Maaari na aniyang isama sa batas ang ipapataw na parusa sa mga ayaw magpabakuna.

Agad umani ng reaksiyon sa publiko at sa ilang sektor ang naging pahayag ni Duterte na pagpapaaresto sa mga ayaw magpabakuna, kasabay ang banta na bakuna sa baboy ang ipatuturok sa mga ito.

Sinabi ni Roque na umaasiya siyang hindi na sana aabot pa sa puntong may gagawing pag-aresto dahil mas marami naman ang nakakaintindi sa importansiya ng pagpapabakuna kontra COVID-19.

“Gaya nga ng sabi ni Presidente, sana hindi na tayo umabot sa puntong iyon no dahil marami naman po talagang nakakaintindi na talagang bakuna po ay susi sa pagsalba sa buhay,” dagdag ni Roque.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.