Abante Tonite Interactive

Konsehal, ABC prexy ng Albay niratrat

By
449

Inoobserbahan sa pagamutan ang isang konsehal at ang presidente ng Association of Barangay Captain (ABC) ng bayan ng Oas, Albay matapos na pagbabarilin ang mga ito ng isa sa dalawang lalaking nakamotorsiklo kahapon ng madaling-araw sa nabatid na lalawigan.

Kasalukuyang inoob­serbahan sa hindi binanggit na pagamutan ang mga biktimang nakilalang sina John Rey Retuerma, muni­cipal councilor ng bayan ng Oas, na nagtamo ng isang tama sa tiyan, at John Greg Ricarte, ABC President ng nasabi ding bayan at anak din ng dating Mayor ng Oas, na nagtamo naman ng mga tama ng bala sa tiyan, kili-kili at tagiliran.

Samantala, mabilis na tumakas ang dalawang hindi pa kilalang mga suspek na agad umeskapo sakay ng kanilang motorsiklo.

Abante Hiring – IT dep

Ayon kay Sr. Insp. Ma. Luisa Calubaquib, spokesperson ng Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng madaling-araw sa harapan ng bahay ni Ricarte sa Barangay Ilawur Sur ng nabatid na bayan.

Kasalukuyan umanong nag-iinuman ang dalawang biktima sa loob ng bahay nang makarinig sila ng pagdating ng isang motorsiklo kasabay ng tahulan ng mga aso kaya agad na lumabas ng kalsada ang dalawa.

Doon nila nakita ang mga suspek at ng akmang lalapitan nila ang mga ito ay isa sa mga suspek ang bumaba ng motorsiklo sabay bunot ng hindi pa batid na kalibre ng baril at pinaputukan ang dalawang biktima na wala pang pang malinaw na motibo.