Abante Tonite Interactive

Konsehal nag-donate ng P100

334

Kapag panahon ng kampanya, todo ang pagpapalapad ng papel nitong isang konsehal para lamang siya maiboto sa halalan.

Nandiyan na lahat yata ng bahay, pinasok ni konsehal para lamang manuyo ng botante.

Pero nang manalo na sa halalan, missing in action na hirap pang hingan ng tulong ang politikong ito.

Minsang may organi­sasyon na lumapit sa kanya, aba’y nagbigay lang ng P100 bilang donasyon umano sa proyekto.

Mas malaki pa raw ang ginastos sa pasahe ng mga organizer kaysa sa nakuhang tulong mula kay konsehal.

Clue: Ang konsehal ay galing sa showbiz industry at may let­rang A sa kanyang pa­ngalan.