Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Konsehal namigay ng pagkain, 56 na-virus

0 246

Umabot na sa 56 ang nahawaan ng COVID-19 sa inorganisang pamumudmod ng food pack, face mask at bottled water ni dating basketbolista at ngayon ay District 3 Councilor Franz Pumaren sa Barangay Matandang Balara, Quezon City.

SM food to go Banner Ad

Ito ay base sa pinakahuling resulta sa isinagawang dalawang araw na ‘mass swabbing’ sa nasabing barangay kung saan nagsagawa ng “Franz Meals on Wheels” si Pumaren noong nakaraang buwan. Nabatid na 50 ang nagpositibo sa RT-PCR test habang anim ang nagpositibo sa antigen test.

Kaugnay nito, nasa QC Prosecutor’s Office na ang kasong paglabag sa health protocols na isinampa ni Chairman Allan Franza laban kay Pumaren na itinuloy ang mass gathering sa kanilang lugar kahit ipinagbabawal umano ito. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.