Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Konsehal sa Cebu City, tinangging binibenta ang P2.5M tuob kit

0 367

Kinontra ni Cebu City Councilor Jerry Guardo na kanilang binibenta ang P2.5 million halaga ng mga tuob kit para sa mga COVID-19 patient.

Ayon kay Guardo, ang 1,000 kagamitan para sa tuob ay pinamigay sa 24 isolation center ng mga barangay sa Cebu City, kung saan 300 kit ay napunta sa Barangay Mambaling.

Aniya pa, ang pagbili nila ng mga kit para sa tuob o steam inhalation ay hindi treatment para sa COVID-19, ngunit nakakatulong umano ito para mabawasan ang mga sintomas ng nasabing sakit.

Paniniwala ni Guardo, pinopolitika lamang siya sa pagpapakalat ng balitang pinagbibili niya ang mga tuob kit na nagkakahalaga ng P2,500 kada isa.

“As we said in the resolution, this is not a cure, but if it helps alleviate the symptoms, then it would help the patients feel better and stronger,” ayon kay Guardo sa panayam sa Cebu Daily News.

RP

Leave A Reply

Your email address will not be published.