Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Konsehal tinimbog sa iligal na armas

0 244

Inaresto ng Philippine National Police (PNP) ang isang konsehal sa isang bayan sa La Union dahil sa pag-aari ng iligal na armas.

Kinilala ni PNP chief Debold Sinas ang suspek na si Michael Mapalo, isang konsehal sa bayan ng Tubao, La Union.
Sa search warrant operation na kinasa kay Mapalo, nakita sa kanyang bahay ang isang .45 caliber pistol at 5.56mm M-16 Baby Armalite Rifle Elisco, pati mga bala nito.

Nang tanungin si Mapalo para sa dokumento ng mga baril, wala itong naipakita.

Dahil dito’y kinasuhan siya ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.