Abante Tonite Interactive

Konsehala pala-absent sa trabaho dahil sa BF

By
737

Napapadalas daw ang absent ng isang konsehala sa isang lungsod sa Metro Ma­nila dahil sa pagbabantay sa kanyang nobyong nag aambisyon na maging ka­gawad ng kanilang barangay.

Nakarating sa im­­por­masyon ng Tonite, sa filing pa lang ng certificate of candidacy, nakakalawit na si konsehala sa braso ng kanyang BF.

Hanggang sa pa­ngangampanya, nakabuntot itong si Konsehala sa pag-iikot sa bawat bahay ng barangay, aba’y pati na ang lamayan ay hindi pinatawad ng tandem.

Abante Hiring – IT dep

Pero sa halip na ang kandidatong jowa ang lapitan, itong flawless na konsehala ang dinudumog ng madlang pipol, eh kasi ba naman ay nuknukan ng bango at nakasisilaw ang kaputian ng hitad.

Dahil sa madalas na pagsabit sa kampanya, napapabayaan na tuloy ni konsehala ang trabaho niya sa city hall sa sobrang pagmamahal sa kanyang syota.

Pero ano itong na­ririnig natin na may alingasngas din sa lovelife ni Madam bago naging sila ni kagawad-to-be.

Ang chismax, minsan din itong na­ging apple of the eye ng isang dating politiko at philanthropist na pumanaw na. Sabi nga ng ilan, hulog ng langit ang yumaong pilantropo sa pamilya ng konsehala noong panahon na isa lang itong private citizen.

Sumubok din sa showbiz itong ating supportive GF pero mailap ang stardom sa kanya noong nasa Kapamilya network. Tumesting ito sa politika at dito ay napakinabangan niya ang kanyang ganda.

Clue: May letrang C sa kanyang pangalan si konsehala ng Camanava area as in caring na caring sa kanyang boyfriend.