Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Konsehong Pambayan sa LGU lumusot sa Kamara

0 71

Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang House Bill No. 7950 o People’s Empowerment Act na lilikha sa Konsehong Pambayan o “People’s Council” sa bawat lokal na pamahalaan.

Sa ilalim ng panukala,sinabi ni San Jose del Monte Rep. Florida “Rida”Velasco na mga miyembro ng civil society organizations (CSOs) ang bubuo sa People’s Council at libreng maglilingkod dito.

Ito aniya ang magsisilbing venue para pagdulugan ng mga mamamayan ng kanilang mga reklamo, hinaing o opinyon tungkol sa mga isyu sa kanilang mga lugar pati ang kalidad ng pamamahala sa kanilang mga lungsod.

Sinabi ni Robes na sasalaing mabuti ang mga magiging miyembro ng konseho tulad ng dapat ay isang taon na ang.operasyong ng kanilang asosasyon, patunay ng kanilang mga aktibidad, listahan ng kanilang mga kasapi at dapat ay kinikilala sila ng lokal na pamahalaan.

Maghahalal din ang People’s Council mula sa kanilang hanay ng kinatawan sa lahat ng sangay ng lokal na pamahalaan, lupon, konseho, komite, task force, special government body at iba pang katulad na grupo na lilikhain sa pamamagitan ng pambansa o lokal na batas.

Bibigyan din sila ng karapatang lumahok sa anumang aktibidad ng gobyerno at programa ng lokal na pamahalaan, maghain ng panukalang batas at sumali sa antas ng komite ng lokal na Sanggunian.

Lilikha rin ang panukala ng Provincial People’s Council (PPC) sa bawa’t lalawigan na kinabibilangan ng kinatawan mula sa munisipalidad at People’s Council ng lungsod na sakop ng kapangyarihan ng isang lalawigan.

SM food to go Banner Ad

Ang bawa’t miyembro ng city at municipal council ay maghahalal din mula sa kanilang hanay ng kinatawan sa PPC na uupo bilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at gagamitin nila ang tungkulin at kapangyarihan na katulad ng mga miyembro ng Provincial Board.

Gayunman, hindi sila kailangang tumanggap ng sahod at pagbabawalang lumahok sa anumang uri ng pulitika.

Ang bawa’t lokal na pamahalaan naman ay inaatasang magkaloob sa kanila ng sariling tanggapan, pasilidad at kagamitan.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang CSOs ay kinikilala bilang malaya at may sariling kakayahan bilang organisasyon na humihimok na mag-organisa ng pormal na kooperatiba, interesadong grupo, non-government organizations at iba pa upang maitulak ang kanilang lehitimong layunin.

Sa naturang panukala, maglalaan ng pondong panustos mula sa empowerment fund ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gagamitin sa pagbuo ng kakayahan ng CSOs habang ang LGU naman ang magkakaloob ng pondo para sa pagpapanatili ng operasyon ng People’s Council.

Magkakaroon naman ng pagsusuri kada limang taon upang rebisahin at irekomenda ang pagsusog sa oras na masurri na ang uusbong na problema at iba pang isyu sa pagpapatupad nito.

Labis namang nagpasalamat si Rep. Robes sa pagpapasa ng Kongreso sa naturang panukala.

“it will make civil society organizations more involved in local governance and create stronger partnership between the government and private sector and create an environment can participate in policy and decision-making processes countrywide.” ani nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.