Abante Tonite Interactive

Konstruksyon sa squatter’s area kailangan din ba ng building permit?

309

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
May katanungan lang po ako sa govern-ment. Kailangan po bang kumuha ng buil-ding permit sa ginawang bahay? Squatters area po ito at umabot na po ng 3rd storey ang bahay. Wala pong permit po ito.

Ang hagdanan po nila ay sagabal sa daanan. May karapatan po ba akong patigilin sila at ireklamo? Pumunta po ako sa city engineering department.

At advise lang po nila na kumuha lang ang may-ari ng b­arangay permit dahil po hindi daw sila (City Engineer’s Ofis) pwede mag-isyu ng permit dahit sa gobyerno po ang lupa..Pero sige pa po ang pagpapatayo ng bahay nila kahit sagabal na sa daanan.

Isa po itong barangay na pagmamay-ari ng gobyerno.
Salamat po sa ma-ging kasagutan mo.
Lenilyn
Iloilo City

Ms. Lenilyn,
Ang mga istraktura na ginagawa ng walang building permit ay hindi dapat pinapayagang itayo at ipagawa. Lahat po ng nasa squatters’ area na nagtayo ng istruktura ng walang pahintulot mula sa Office of the Building Official ng isang munisipyo o lungsod ay dapat na pinapatanggal.

Related Posts

Nakakataka lamang po na kahit nagsumbong na kayo tungkol sa illegal na pagpapagawa ng structure ay hindi kayo pinansin at hindi man lamang pinahinto ang pagpapagawa ng building.

Dahil ang sabi ninyo ay kasama kayo sa squatters’ area ay malamang na pati kayo ay lumabag sa National Building Code.

Totoo po na hindi kayo mabibigyan ng building permit sa lupa ng gobyerno.

Kaila-ngan ninyo ka-sing magsumite ng proof ng inyong legal na interest sa lupa tulad ng titulo sa lupa o Tax Declaration o kahit na Deed of Sale o Contract of Lease. Kung hindi naman kayo kinikilala ng gobyerno na may karapatan kayo sa lupa tulad halimbawa kung kayo ay awar-dee ng NHA ay hindi kayo mabibigyan ng building permit at lahat ng itatayo ninyo sa lupa ay masasabing iligal.

Ang maaari lamang ninyong ireklamo laban sa kanila ay ang pagiging istorbo sa kinikilalang right of way. Ang kinilalang at nakagawian na right of way ay hindi maaa-ring hadlangan o lagyan ng harang.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.