Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Konti lang gusto paturok sa NCR – OCTA survey

0 66

Isa lang umano sa bawat apat na residente sa National Capital Region (NCR) ang handang pabakuna kontra COVID-19 sakaling magkaroon na nito sa bansa.

Lumabas sa survey ng OCTA Research na sa 600 na sumagot mula sa NCR, 25% lang ang handang paturok kapag may dumating nang ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa 47% naman ang nagsabi na hindi sila makapagpasya kung gusto nila magpaturok habang 28% ang nagpahayag na ayaw nilang pabakuna.

Pinakamaraming mula class ABC ang handa maturukan habang marami naman sa class 3 ang ayaw pabakuna

Isinagawa ang survey mula Disyembre 9 hanggang 13 sa mga mamamayang edad 18 pataas at sa pamamagitan ng face-to-face interview. May sampling error margin itong ±4%.(SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.