Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kontra bitay binanatan: Tayo lang maarte!

0 188

Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga personalidad at mga grupong patuloy na tumututol sa death penalty.

Sa kanyang mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na tanging ang Pilipinas na lamang ang walang parusang kamatayan sa mga nagkasala sa illegal na droga.

Kaya aniya malakas ang mga sindikato sa kanilang illegal drug trade dahil walang matinding batas na nagpaparusa sa kanila sa bansa, di tulad sa China at Malaysia at ilan pang bansa sa Asya na kamatayan ang naghihintay na parusa sa mga sangkot sa illegal na droga.

“It’s a crime in Malaysia, lalo na sa China it’s a death penalty. Malaysia it’s a death penalty. Indonesia metes out a death penalty. Tayo lang ang Pilipinas, maarte,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na sa kabila ng mga pagtutol sa death penalty ay hindi siya uurong at hindi magbabago ang isip na isulong ang death penalty laban sa mga sangkot sa illegal na droga sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.