Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kontra fake news, Phivolcs nilunsad VolcanoPH app

0 77

Inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes ang isang mobile app na mabibigay ng impormasyon sa publiko tungkol sa kalagayan at aktibidad ng mga bulkan sa bansa: Ang VolcanoPH.

“This is an efficient way of providing information directly to the users. Because most of the time, they rely on Phivolcs website, or on the advisories from the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council),” pahayag ni Phivolcs director Renato Solidum Jr.

Makakatulong rin umano ang VolcanoPH upang magbigay ng totoong impormasyon sa mga mamamayan.

“Fake information is rampant on social media. Having this app aims to ensure public safety from volcanic hazards.”

Sa ngayon, mga Android user pa lamang ang makapagda-download ng app ngunit siniguro ng Phivolcs na maglalabas din sila ng iOS version. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.