Abante Tonite Interactive

Kontra kay Digong- Koko nanghinayang sa mga pinitpit na luxury car

By
4,112

Labis ang panghihinayang ni Senate President Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa mga nakumpiskang luxury car na pinitpit lamang sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nagdaang araw.

Ikinatuwiran ni Pimentel na dapat lang sunugin ang mga nakumpiskang sigarilyo o iligal na droga dahil sa nakasisira ito sa kalusugan ng tao, pero sa kaso ng mga nakumpiskang mamahaling sasakyan, hindi makabuluhan na sirain na lang ito kung maaari naman itong pakinabangan ng gobyerno.

“Unlike cigarettes or drugs, which have no good intrinsic value to humans and which must be destroyed when confiscated, cars and other manufactured items have economic value, and luxury cars particularly have great value to serious car collectors,” saad ni Pimentel.

Abante Hiring – IT dep

Iginiit nito na sa paggawa ng luxury cars, mas maraming enerhiya ang nagamit na nakadagdag din sa overall global warming.

Suhestiyon ni Pimentel, isubasta ang mga makukumpiskang puslit na sasakyan at para makasiguro na hindi ito mapapasakamay uli ng smuggler ay sa abroad na ito ibenta.