Abante Tonite Interactive

Kontra, pabor sa ABS-CBN franchise renewal pakikinggan ng Kamara

869

Hinimok ni Albay Rep. Edcel Lagman ang liderato ng House Committee on Legislative Franchises na huwag matakot sa ranting ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa halip ay pairalin ang pantay at walang delay na pagdinig sa isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Ayon kay Lagman, ang Committee on Legislative Franchises na pinamumuan ni Palawan Rep. Franz ‘Chicoy’ Alvarez kasama ang mga congressman “must act independently in exclusive congressional jurisdiction on the grant of franchises.”

Aniya ang anumang pagpigil na walang basehan sa pagpapatuloy ng franchise ng broadcast giant ay maituturing na “violation of due process and the equal protection clause gua­ranteed by the Constitution.”

“The freedom of the press is enshrined in the Bill of Right and franchises as private bill exclusively emenate from the House of the Representantive,” sabi ni Lagman.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Rizal Day speech na mas mabuting ibenta na ng ABS-CBN ang network dahil walang mangaganap na franchise renewal.

Aniya, tahasang pagbira sa press freedon ang sinabi na ito ng Pangulo .
“The President must uphold the freedom of the press and respect the independence of the Congress, particularly the Hosue of Representatives where franchise bills originate, in granting and extending franchises,” dugtong pa ng kongresista.

Mistula rin umanong na-extra judicial killing ang ABS-CBN ng mga Lopez dahil pinapatay nito ang kalayaan sa pamamahayag.

Sa gaganaping committee ­hearing, pakikinggan ng komite ang mga pro and con kung dapat o hindi palawigin pa ng 25 taon ang prangkisa ng ABS-CBN. (JC Cahinhinan/Lorraine Gamo)