Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kontraktor na ang nagmamando sa DPWH

0 231

Ano na ba ang nangyari sa Department of Public Works and Highway (DPWH)?

Wala pang isang buwang nakakapag-resign si Mark Villar bilang secretary, dumagundong na ang bagong eskandalo sa departamento.

Una, nag-aamok ang appointees ni Mark na ang appointment ay kanyang napirmahan ilang buwan bago pa man siya mag-resign. Mga career officials naman ang mga ito kaya walang kuwestiyon at dumaan din sa evaluation board.

Ang siste, kinansela ang kanilang appointment na isang dahilan kung bakit wala nang katahimikan sa ahensiya. Parang kumukulong bulkan ang ahensiya na anumang oras ay sasambulat sa mukha nila ang nagbabagang lahar!

May isa pang bagong sistema ngayon sa DPWH, iyong isang “balikbayan” na coterminous sa appointing authority ay nagpapanggap din na kalabaw kahit isa lamang siyang dakilang bangaw.

Ang balita natin isang acting Secretary II ang pakilala sa lahat ng opisina at maging sa mga kontraktor ng isang opisyal dito. Ngayon lang tayo nakarinig ng ganitong ranggo. Usuallly, Asec, Usec at mga Directors lang ang posisyon sa DPWH, hindi natin alam na may Acting Secretary II plantilla position na rin pala.

SM food to go Banner Ad

In fairness kay Mark, very professional ang kanyang handling sa departamento dahil delegated ang lahat ng trabaho. Ngayon pala, parang jueteng collection daw ang sistema, centralized na raw ang lahat ng galaw. Walang maaprubahang appointment at proyekto kung walang tantos o marka ng laway ng nagpapakilalang bagong opisyal.

Ang problema ngayon, dahil parang hinalong kalamay na ang sistema, akalain mo, pati mga kontraktor ay nakakakapagpapirma ng appointment para sa district engineer na gusto nila! Yes po, sinabi ng ating source na pila-pila sa pintuan ng OSEC ang mga kontraktor para magpapirma ng appointment! Ang yayakal este kakapal nyo naman!

‘Yan ang problema kapag dumampot lang ang ng mga taong galing sa labas na ang nagmamaniobra naman ay korap na galing sa loob. Kumpleto na ang sangkap para sa isang maeskandalong departamento na tiyak na sasabog sa mukha nila pare-pareho.

Mukhang may nagkakalat sa DPWH, abangan ang iba pa nilang bisyo.

Walang-wala kay Senador Bong Go na “serbisyo ang bisyo” ang ilang gago sa DPWH dahil ang bisyo ay mamerhuwisyo!

Sobra pong gagarapal!

Leave A Reply

Your email address will not be published.