Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kontraktuwal na guro masisibak

0 85

Posibleng masibak sa trabaho sa Hulyo 10 ang ilang mga temporary hired na guro kung hindi pa nila nakukuha ang requirement na makapasa sa licensure examinations for professional teachers (LEPT).

Kaya naman isinusulong ni ACT Teachers Rep. France Castro sa Kongreso na pakinggan ang House Joint Resolution No. 39 na naglalayong suspindihin ang requirement para sa provisionally hired teachers na makapasa sa LEPT sa loob ng limang taong pansamantalang trabaho.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giit pa ni Castro, walang kasiguruhan kung matutuloy ang LEPT ngayong Setyembre 2021 dahil sa COVID-19 crisis.

Nabatid na tatlong beses nang pinagpa­liban ng Professional Regulation Commission ang pagkuha ng LEPT ngayong taon dahil sa pandemya. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.