Abante Tonite Interactive

Kontrata ng Zamcelco, Crown Investment iligal

409

Dumulog na ang mga ­residente ng Zamboanga City kay Energy ­Secretary Alfonso Cusi sa pagpipilit ng ­National Electrification ­Administration (NEA) sa diumano’y irregular na ­kontrata ng Zamboanga City Electric ­Cooperative Inc. (Zamcelco) at ng Crown ­Investment Holdings Inc.

Ayon sa National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc. (NASECORE), inirekomenda na ng Legal Services ng Department of Energy na ipa-bid ulit ang investment management contract na ibinigay sa Crown Investment.

Sumulat ang NASECORE kay Cusi noong Oktubre 16 para ­ireklamo si DOE Undersecretary Felix William Fuentebella na pinawalang ­bahala ang findings ng DOE Legal ­Services na ang kontrata ng Zamcelco at Crown Investment ay “null and void ab ­initio” kaya’t inirekomenda nitong ulitin ang bidding.

Inaprubahan ng NEA ang ­kontrata ng Zamcelco at Crown Investment noong Oktubre 5, 2018.

Si Fuentebella ang humahalili kay Cusi sa NEA Board bilang alternate chairman.

Sumulat na ang Legal Services ng DOE kay Cusi para ipaalala na iligal ang pagkakabigay ng kontrata sa Crown Investment dahil labag ito sa guidelines ng bidding para sa mga electric cooperative at hindi rin maaaring kuhanin ng Zamcelco board ang papel ng special bidding and awards committee.

Sinampahan na ng kaso ang mga opisyal ng Zamcelco sa ­Ombudsman ng mga taga-Zamboanga at iba pang mga consumer sa paniniwalang pamamahalin ng diumano’y iligal na kontrata ang kuryente sa kanilang lugar. (Eileen Mencias)