Abante Tonite Interactive

Kontrobersiyal na babae may black magic?

1,382

tonite-no-thanks-cristy-fermin

Pinagpistahan sa isang umpukan ang isang babaeng sobrang kontro­bersiyal ngayon. Matindi ang kanyang pinagdadaa­nan, maraming nag­dedemanda sa kanya, pero may ibang anggulo ng kuwentong lumalabas ngayon tungkol sa kanya.

Ayon sa kuwento ng mga dati niyang kaibigan ay may kakaibang kapasidad ang nasabing babae para mapapayag ang kanyang kausap tungkol sa isang transaksiyon.

Pagpapatotoo ng isang source, “Parang meron siyang alam sa magic. Parang nakakaya niyang himukin ang kahit sinong kaharap niya na puma­yag sa mga sinasabi niya. May alam nga kaya siya sa black magic?

“Kasi, lahat ng mga naging kaibigan niya at kasosyo sa business, e, ganu’n ang sinasabi! Oras na nakausap mo na siya nang matagal, e, wala ka nang magagawa kundi ang sundin ang gusto niya!

“Hindi ka na raw mag-iisip nang makalawa, basta ibibigay mo na lang ang gusto niya, sa totoo lang!” unang komento ng aming source.

Sinesegundahan ‘yun ng mga dating nakakasama ng kontrobersiyal na babae, meron nga raw siyang kakaibang panghalina, kaya marami siyang napapapasok sa kanyang mga negosyo.

“Puwede siyang maging leader ng budol-budol gang! Magaling siya, kaya ka niyang pasagutin ng oo sa kahit anong sinasabi niya!” sabi pa ng isang source.

Ganu’n?

Aktres nasarapan sa tisoy na aktor

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapag-move-on ang isang may edad nang aktres tungkol sa ilang gabing pagpapaligaya nila ng isang guwapong aktor. Kapag nagkakakuwentuhan silang magkakaibigan ay palaging bumibida ang tisoy na aktor na ayon sa may edad nang female personality ay may kakaibang mga katangian kesa sa mga kalalakihang nakasama na niyang bumiyahe sa kaligayahan.

“Iba si ____(pangalan ng tisoy na aktor na impernes ay magaling umarte). Mula ulo hanggang paa, napakalinis niya. At take note, ang armas niya, pink na pink!

“Para kang kumakain ng ice-cream na cherry ang flavor. At malaking ice-cream ‘yun, ha? Kapag napapanood ko nga siya sa TV ngayon, e, parang type ko na naman siyang tawagan!” kinikilig pang kuwento ng may edad nang aktres sa kanyang mga kaibigan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Dupaya nagsisigaw sa hotel

Sa kolum na ito namin sinisimulan ang isyu kaya dito rin namin tatapusin ang nobela ng singilan na pinagbibidahan nina Lito de Guzman at Kathy Dupaya.

Ang pangako nilang mahina­hong pag-uusap para malaman nila kung magkano ang babayarang interes ng negosyante sa mga isinangla nitong branded bags sa mga kaibigan ni Lito de Guzman ay hindi nangyari.

Hindi sila nagkasundo, sa halip ay nagkatungayawan pa nga sila, hiyang-hiya si Lito at ang kanyang mga kasosyo sa negosyo sa pagsigaw-sigaw ni Kathy Dupaya sa hotel kung saan sila nagkita.
Sabi na lang ni Lito, “Sa ilang dekada ko na sa showbiz industry, sa dami na ng mga nakaengkuwentro kong tao, ngayon lang ako nakaranas na makakilala ng isang taong napakagaling mambaligtad ng kuwento!

“Nu’ng una, e, pinagalitan ko pa nga si Ynez (Veneracion), sabi ko, bakit niya ginanu’n si Kathy Dupaya, e, meron naman silang magandang pinagsamahan?

“Pero ngayon, e, hindi ko na masasabi ang ganu’n! Grabe pala talaga ang babaeng ito, napakahusay niyang magtahi ng mga kuwentong wala namang katotohanan! Siya na nga ang may utang, e, siya pa ang matapang!

“Makikipag-usap na kami ngayon ng mga kaibigan ko sa abogado. Sayang lang ang panahon kung si Kathy pa rin ang kakausapin namin! Abogado na ang kailangan ng grupo ko!” pabuntong-hiningang paliwanag ni Lito de Guzman.(Cristy Fermin)