Abante Tonite Interactive

Kontrobersyal na showbiz personality tinanggihan ng male celeb

505

Isang malutong na halakhak lang ang reaksyon ng isang kilalang male celebrity (KMC) sa pagkakadawit nito sa pautot kamakailan ng isang kontrobersyal na showbiz persona­lity (KSP).

Nananahimik si KMC ay pilit siyang dinadawit ni KSP sa bago nitong proyekto. Gustong isama ni KSP si KMC sa nasabing project pero tumanggi si KMC.

Ang paeklay ni KSP ay selos ang dahilan kaya hindi tinanggap ni KMC ang project, pero tinawanan lang ‘yon ni KMC.

Ang totoo, tumanggi si KMC dahil umiiwas na talaga siyang maugnay kay KSP, so imposibleng puma­yag siyang makasama ito sa isang proyekto.

Bago pa man simulan ang bagong pinagkakaabalahan ni KSP ay nakakaladkad na ang pangalan ni KMC, ano pa kaya kung totoong kasama siya sa proyekto nito?

Ang mga malalapit kay KMC ay pinagtatawanan ang mga kaeklatan ni KSP dahil alam nila kung anong tunay na nararamdaman dito ni KMC.

Ang totoo ay nakadama rin sila ng awa para kay KSP dahil feeling nila ay mahirap tanggapin ‘yon na tila inaayawan na ito ng lahat.

‘Yun ang mapait na katotohanan, pero sa halip na tanggapin ito ni KSP ay mas ginusto nitong gumawa ng kuwento na salat naman sa katotohanan!

(Allan Diones)