Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kontruksyon ng firing range sa Multinational Village pinahinto

0 293

Upang maiwasan ang pagdami ng mga kontrobersya na bumabalot sa gagawing firing range sa loob ng isang subdivision sa Paranaque City, nagpasya ang mga opisyales ng Multinational Village Homeowners Association Inc. (MVHAI) na i-convert lamang ito sa lawn tennis court at isang badminton court.

Ayon kay Arthur Damot, administrator ng MVHAI, wala na silang balak ipagawa and firing range kahit karamihan sa mga nakatira sa subdivision ng mga gun enthusiasts ay pabor na ituloy ang konstruksyon sa lalong madaling panahon.

Naging kontrobersyal ang pagpatayo ng firing range dahil libu-libo ang mga naninirahang Chinese nationas na emplyeado ng Philippines Offshore Gaming Operators (POGO) sa loob ng subdivision at baka abusuhin daw ito ng mga banyaga at baka dayuhin ng ibang tao na hindi taga kanila.

“Masyado lang pinapapaki ng ibang residente ang isyu na kontra sa kasalukuyang liderato ng homeowners association ng dahil na rin sa politika. Pinaimbistigahan pa nila sa Senado ang napakaliit na problema na wala rin namang nangyari na resulta,” paliwanang ni Damot.

Ani Damot, lahat kasi ng amenities ng isang subdivision ay kumpleto na sa loob ng Multinational Village Leisure Park and Resort tulad ng basketball court, world class swimming pool, conference building, covered gymnasium aircon, event center, at children’s park kaya naisip nila na magpatayo ng firing range.

Pero sa ngayon ay `hold in abeyance’ muna ang construction ng firing range at malapit na matapos ang pa papagawa ng tennis and badminton courts katabi ng building ng firing range, dagdag ni Damot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.