Abante Tonite Interactive

‘Kopiko Bryant’ ng Bohol artist klik sa mga netizen

476

Bumenta sa mga netizen online ang “Kopiko Bryant” ni artist Vincent Omar Lluvido Dagdayan mula sa Bohol.

Gumawa ng isang mosaic art si Tagbilaran-native Dagdayan gamit ang ginupit-gupit na brand ng kape at lumikha ng larawan ni NBA legend Kobe Bryant.

Unang ipinasilip ni Dagdayan ang kanyang obra na may sukat na 20×24 inches nitong Marso 25 habang natapos naman ito noong Huwebes.

Pumanaw ang Los Angeles Lakers great dahil sa helicopter crash kasama ang kanyang anak na si Gianna at pitong iba pa noong Enero.

Umani ng lagpas 57,000 reactions sa Facebook ang likha ni Dagdayan.

Tonite – Wendys Inhouse Ad