Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korap hindi mauubos sa gobyerno

0 195

Masigasig sa mga panahong ito ang Presidential Anti- Crime Corruption (PACC) sa pamumuno ni Commissioner Greco Belgica sa paglipol sa mga korap sa mga ahensya ng gobyerno.

Sa panayam nga kay Commissioner sa Diskusyon sa Abante Radyo Tabloidista ng Malacanang reporter naming si Marie Aileen Taliping nagpatikim ito ng ilang mahahalagang impormasyon patungkol sa ginagawa nilang imbestigasyon.

Sa dami ng binitiwang salita ni Commissioner ang hindi ko makalimutan ay ang pahayag nitong kahit anong gawin ng gobyerno ay hindi mauubos ang korap.

Meaning, mababawasan lang sila at makakasuhan.

Pero mabuti na rin kesa naman patuloy sila sa pamamayagpag at pag-ubos sa kaban ng bayan.

****

Kahit sino naman ay mapapabilib sa mga bata ni Taguig Mayor Lino Cayetano na nakabingwit sa malaking sindikato ng iligal na droga sa lungsod ngayong panahon ng pandemya.

Ang aking sinasabi ay patungkol sa pagkakatimbog ng mga elemento ng Taguig Police sa may P20M halaga ng sinasabing shabu mula sa miyembro ng tinaguriang Tinga Drug syndicate.

Related Posts

Hindi lang mga iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa ikinasang drug operation dahil natimbog rin daw ang ibang kasabwat sa pagtutulak ng droga sa pangunguna ni Patrick Ace Tinga at siyam pang kasapakat nito sa police operation nakaraang Miyerkules sa Mariano St., Barangay Ususan sa Taguig.

Bukod sa pagkakatimbog sa sindikato ay may dalawang menor de edad na nasagip sa operasyon ng mga awtoridad na ikinakumpiska ng sinasabing mahigit tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400,000.

May nasamsam ding 41.7 gramo ng marijuana na may halagang P50,040; tatlong digital weighing scale; dalawang keypad cellphone; isang eco bag; P8,000 na iba’t-ibang pera na mula ibang bansa; at dalawang P200 bills na merong dusting powder mula sa Southern Police District Crime Lab.

Maliban sa mga nabanggit ay isang napakahalagang dokumento ang nasamsam ng mga awtoridad at ito ay ang isang blue book.

Ito ang pinaniniwalaang listahan mga kliyente sa bentahan ng droga ng sindikato.

Kaya naman hindi natin masisisi si Mayor Cayetano na matuwa sa tagumpay ito ng kapulisan.

Imagine kahit sa kabila ng pandemya ay ipinamalas ng Taguig police na seryoso sila sa giyera kontra iligal na droga kaya lahat ng suporta ay ibibigay ng pamahalaang lungsod sa puwersa ng kapulisan.

Sabi nga ni Mayor Lino, hindi hadlang ang pandemya sa COVID-19 sa labang ito dahil pangunahin nitong misyon lalo na sa ganitong sitwasyon ang kaligtasan ng bawat Taguigeño.

Leave A Reply

Your email address will not be published.