Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korapsyon nakapako na kahit sino nakaupo

0 298

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kayang malinis ang korapsiyon sa gobyerno kahit na sino pa ang maupo sa puwesto.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk to the People nitong Huwebes ng gabi na mahirap malutas ang problema sa korapsiyon hangga’t may perang sangkot sa anumang transaksiyon sa gobyerno.

“We are not proclaiming that we have gotten rid of corruption. There is still corruption in this government and any other government that will come after me, and in the past, mayroon talaga ‘yan. If there is a running bureaucracy and there is money involved and there are a lot of tables where the papers would go through, there will always be corruption,” anang Pangulo.

Wala aniyang ibang puwedeng gawin kundi labanan ang talamak na problema sa korapsiyon ng may determinasyon at habulin at ipakulong ang mga gumagawa ng kalokohan sa gobyerno. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.