Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korapsyon sa Philhealth kakalkalin ng Senado – Ping

0 243

Nakatakdang imbestigahan ng Senado ang katotohan sa alegasyon ng korapsyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“I am now drafting a resolution calling for a Senate Committee of the Whole inquiry,” pahayag ni Lacson sa mga reporter.

“Senate President Vicente Sotto III and I, and some senators, from the majority bloc have been discussing the unabated corruption and mismanagement of Philhealth funds for quite sometime now,” dagdag nito.

Pangunahing agenda sa gagawing pagsisiyasat ng Senado ay ang isyu ng katiwalian sa state health insurer at estatrado ng pondo nito. Isasagawa ang pagdinig sa pagpapatuloy ng sesyon ng Senado sa Lunes.

Ginawa ni Lacson ang hakbang matapos magbitiw sa puwesto ang isang opisyal ng PhilHealth noong Huwebes matapos ang mainitang pagtatalo sa isinagawang zoom meeting ng mga lider ng PhilHealth noong Huwebes.

“The shouting match in a recent virtual conference between the PhilHealth president and some board members involving almost P1 billion worth of questionable transactions including a total overprice of P98 million says it all,” sabi ni Lacson patungkol sa internal audit report ng PhilHealth.

Sinabi pa ni Lacson na “abominable” at “disgusting” ang nangyaraing anomalya na itinaon pa sa panahon ng pandemya.

Inasahan nilang mareresoba na ang isyu ng katiwalian sa ahensiya sa pagpasok at sa pamumuno ni PhilHealth president Ricardo Morales noong nagdaang taon subalit nagpapatuloy pa rin ito hanggang ngayon.

“Napakataas ng aming expectations at pag-asa na mababago. Pero sad to say, patuloy pa rin. Sabi nga ng kasamahan ko unabated na, parang naging kultura sa PhilHealth,” pahayag ni Lacson sa panayam sa DZBB.

“So, something must be really very wrong na kailangan tingnan uli ng Senado bilang mga policy makers kasi kami nagpatupad ng Universal Health Care. Kongreso nagpasa niyan at meron kaming oversight function, mandato namin ‘yan,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.