Abante Tonite Interactive

Korapsyon sa SEA Games imbestigahan na

312

Matapos ang 11 araw, natapos na ang 30th Southeast Asian (SEA) Games at masaya ang lahat dahil tagumpay ang pagdaraos nito bukod sa nakuha natin ang overall championship sa ika­lawang pagkMatapos ang 11 araw, natapos na ang 30th Southeast Asian (SEA) Games at masaya ang lahat dahil tagumpay ang pagdaraos nito bukod sa nakuha natin ang overall championship sa ika­lawang pagkaka­taon.
aka­taon.

Isang linggo bago ang SEA Games, marami ang nadismaya sa ilang mga naging a­berya. Andiyan ‘yung pumutok ang P55 mil­yong ha­laga na pagpapatayo ng cauldron na anila’y napakamahal.

Sumambulat din ang isyu ng paglipat ng P1 bilyong pondo ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Phisgoc na isang private foundation at pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Bukod pa ‘yan sa P6 bilyong inilaan ng gobyerno sa SEA Games na hinawakan ng Phisgoc. Pero nauna nang sinabi ni Ca­yetano na wala namang iregularidad sa paggamit ng pondo para dito.

Nakahanda rin siya sa anumang imbestigasyon para dito.

Ang Office of the Ombudsman ay bumuo na ng fact-fin­ding panel na siyang magsisiyasat sa posib­leng katiwalian sa pag-organisa ng 30th SEA Games.
Maganda ‘yan.

Kung may makitang matibay na ebidensiya, dapat kasuhan ang mga opis­yal na sangkot.

Ang Senado ay magsasagawa rin ng kanilang sariling imbestigasyon. Sa Senado kasi unang sumambulat ang kontrobersyal na cauldron o ‘kaldero’ na ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon ay ‘very extravagant’.

Noong nanood ako ng SEA Games sa New Clark City nakita ko ang cauldron at pinagkaguluhan ng mga ‘tao’.

Kung hindi siguro naging kontrobersyal ang ‘kaldero’ ay hindi pagka­ka­guluhan ng mga tao.

Sa unang tingin mo, hindi naman mas­yadong attractive ang ‘kaldero’ na parang ordinaryo lang ang pagkagawa.

Simple lang ang disenyo pero ewan ko kung ano ang ginamit na materyal, baka doon napamahal.

Sa pundasyon (poste) pa lang kasi P13.4 milyon na ang budget habang ang design ay P4.3 mil­yon naman at ang total cost of construction ay pumalo sa P32 milyon. Kaya ang biruan ng mga taong nagpapakuha ng photo sa cauldron, “ito na ang P55M na cauldron? Simple lang, P55M na?”

Kasi nga naman napakasimple ng hitsura. Mas maganda pa nga raw sa control tower sa NAIA.

Doon sa isyu ng paglipat ng pondo ng PSC sa Phisgoc med­yo kuwestiyonable, sabi nga ni Sen. Ping Lacson dahil sa ilalim ng batas, ang government funds ay hindi puwedeng ilagak sa isang private foundation.

Kasi may isyu tulad ng pag-transfer ng pondo mula sa PSC na isang government agency tungo sa isang private foundation na Phisgoc.

‘Yan ang malaking katanungan kasi go­vernment fund ‘yan, ‘di mo puwedeng ila­gak sa isang private foundation.

Meron na ngang na-convict katulad ni ex-Gov Grace Padaca na diumano’y naglipat ng pondo ng provincial government sa private foundation.

Andiyan din ang isyu ng Napoles pork ng mga kongresista at senador na napunta rin sa private foundation at may mga kaso ngayon tulad ni da­ting Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Kaya kahit ta­gum­pay ang performance ng ating mga atleta sa katatapos na SEA Games, hindi dapat nating ipikit ang mga mata at karapatan din nating malaman kung may naganap nga bang katiwalian sa pag-organisa ng 30th SEA Games.

Hindi natin sina­sabing merong korap­syon pero maganda na ring ma­laman kung nagkaroon nga ng maling paggamit sa pondong nilaan ng gobyerno para sa SEA Games. Abangan natin ‘yan.