Abante Tonite Interactive

Korean actor Cha In Ha natagpuang patay

0 484

Iniimbestigahan na ang pagkamatay ng isang Korean actor na nakitang wala nang buhay sa loob ng kanyang bahay nitong December 3.

Inanunsyo ng agency na Fantagio ang malungkot na balita ng pagkamatay ni rookie actor at Surprise U member Cha In Ha sa edad na 27.

“Hello, this is Fantagio. We feel devastated to deliver such heartbreaking and unfortunate news. On December 3, actor Cha In Ha left our sides. We are truly heartbroken to deliver sad news to everyone who has sent lots of love and support to Cha In Ha until now,” saad ng talent agency ng aktor.

Nakiusap din ang Fantagio sa publiko na tigilan ang pagkakalat ng mga tsismis tungkol sa ikinamatay ng Korean actor.

Ilan sa pinagbidahan niyang TV drama ang “Degree of Love,” “Wok of Love,” “Are You Human, Too?,” “Clean with Passion for Now,” at “The Banker.” (IS)