Abante Tonite Interactive

Korean egg rolls

198

Ingredients:

* 3 itlog
* 1 tbsp. gatas
* 1 tbsp. carrot, pino
* 1 tbsp. sibuyas, pino
* 1 tbsp. dahon ng sibuyas, pino
* Asin at paminta

Steps:

1. Batihin ang itlog kasama ng gatas at asin, salain ang mixture para mawala ang chalaza at magkaroon ng fine texture. Idagdag ang carrots, sibuyas, dahon ng sibuyas at paminta at haluin.

2. Lagyan ng kaunting mantika ang kawali at painitin ito sa mababang apoy.

3. Ilagay sa kawali ang 1/2 ng egg mixture at hayaang maluto nang half done, irolyo ito mula kanan hanggang sa gitna at iusog ito sa gitna ng kawali tsaka idagdag ang 1/4 mixture at lutuin nang half done, ulitin ang pagrolyo at idagdag ang natitirang mixture.

Matapos maluto ang huling mixture ng itlog, irolyo ito hanggang dulo at ilipat sa chopping board.

4. Hayaan munang lumamig ang egg roll bago hiwain sa bite size, madudurog ito kapag hiniwa mo habang mainit pa.

Enjoy at Kumain tulad ng napapanuod natin sa mga Kdrama!

Tonite – Wendys Inhouse Ad