Abante Tonite Interactive

Korean feels sa ECQ

453

Taong 2014 nang pumunta ako sa South Korea kasama ang ibang reporter-friends. Doon ko natikman ang authentic bibimbap. Napasyalan din ang pamosong Nami Island kung saan kinunan ang ilan sa mga sikat na Korean novelas.

Fast forward to 2020 – kahit di ka makapunta sa Korea, dito pa lang sa Pilipinas, Korean feels na! Na-invade na ata talaga tayo ng mga Koreano. Very evident naman ito sa pagkahilig natin sa kultura at tradisyon nila.

Sino bang hindi nakakamiss sa Samgyup ngayong umiiral ang ECQ? Sabayan mo pa ito ng pag-inom ng Soju. Tiyak akong swabe ang iyong Korean food experience.

Bukod sa pagkain, nahumaling din tayong mga Pinoy sa mga K-drama. Lalo pa itong pumatok ngayong naka-lockdown ang Metro Manila at iba pang kalapit probinsiya dahil sa banta ng COVID-19. Lagi namang trending ang mga K-drama sa Netflix. Pasok lagi sa Top 10.

Ang tanong – bakit nga ba na-attract nang husto ang mga Pinoy sa Korean stuffs?

Inggit na inggit tayo sa mala-porselanang balat na taglay ng Korean stars tulad nina Bae Suzy, Park Shin Hye at Lee Min Ho. Mapapa-‘sana ol’ ka na lang talaga. Kung gaano ka flawless ang skin nila, ganoon din ka-flawless ang pag-arte nila kaya 100% silang kinagigiliwan ng madla. Oras na matapos ang ECQ, mga Samgyupsalan ang dudumugin. Na-captivate kasi tayo sa ‘mouth-watering’ cuisine nang i-feature ito sa mga hit na K-drama. Lalo na ‘pag nanood ka ng Itaewon Class, ‘di lang Samgyup ang nasa menu. Ang specialty ng Danbam, soft tofu stew ang bubungad sa’yo na gawa ni Park Saeroyi! ‘Di kumpleto ang Koreano feels ‘pag ‘di mo rin na-acheive ang pananamit nila. Malaki na rin ang impluwensiyang naidulot nito. Casual tops, jeans and denim, at accessories ang mga bida sa Korean novelas. No wonder, hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo kumakalat ang hit K-drama series. Grabe talaga ang SoKor pagdating sa entertainment. Ikaw, nasakop ka na rin ba ng Korean vibes? (with reports from Melvin Jabez Canoza)

Related Posts

 

 

Tonite – Wendys Inhouse Ad