Abante Tonite Interactive

Korean movie gumawa ng history sa Oscars

334

Ang South Korean film na “Parasite” ay nakagawa na naman ng isang bonggang history.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nanalo ang “Parasite”, ang South Korea sa Oscar! Ang “Parasite” ang itinanghal na nanalong Best Picture, Best Director, Best International Feature Film at Best Original Screenplay sa 92nd Academy Awards o Oscars.

Sobrang saya ng cast na present sa awards night. Ang writer/director ng movie na si Bong Joon Ho ay pinasalamatan ang mga artista niya sa kanyang speech.

Ayon dito, “I thank all the actors who are here with me today for bringing this film to life.”

Sabi pa niya, “We never write to represent our countries, but this is the very first Oscar [for] South Korea.”

Ang “Parasite” ay lumaban sa mga pelikulang “Once Upon a Time … in Hollywood”, “Marriage Story”, “Knives Out”, at “1917”.

Maging si Janine Gutierrez ay nag-tweet at isa sa nagsi-cheer sa panalong ito ng South Korea.

Sey niya, “So happy for South Korea getting their first Oscar!! I’ve read about how their govt has heavily supported the film industry through tax breaks and investments and it really shows that govt support is so important!! In film and in sports and in music. Sana oil.”

At sa huling tweet niya ay ang picture ng bandera ng Pilipinas.