Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SoKor netizen todo sorry sa mga binastos na Pinoy

0 154

Nag-trending sa Pilipinas at sa South Korea ang #SorryToFilipinos matapos humingi ng paumanhin ang mga Korean sa pagkutya ng ilan nilang kababayan sa mga Pilipino, na tinawag na pandak, mahirap at walang pinag-aralan.

Nag-ugat ang isyu matapos manggalaiti ang mga Filipino netizen at nanawagan ng #CancelKorea kahapon nang paulanan ng mga hateful comment si Fil-Am influencer Bella Poarch ng ilang Korean makaraang maispatan ang Japanese rising sun flag tattoo niya sa TikTok video.

Maraming South Korean TikTokers ang bumanat sa 19-year-old influencer at inakusahang ignorante sa history dahil simbolo raw ang naturang “sun flag” ng Japanese imperialism, kung saan maraming pang-aabuso ang ginawa ng mga sundalong Japanese noong World War II sa mga bansang sinakop nito kabilang na ang South Korea at Pilipinas.

Nadamay sa galit ng ilang South Korean kay Poarch ang mga Pilipino sa pagsasabing mahirap na bansa ang Pilipinas, hindi edukado at mga pandak.

Kaya naman nitong Sept. 10 ay agad bumawi at nag-sorry ang mga Korean at sinabing mahal nila ang Pilipinas. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.