Abante Tonite Interactive

Korean national nabiktima ng ‘akyat-bahay’

By
486

Arestado ang isang galamay ng kilabot na akyat-bahay gang makaraang looban ang apartment ng isang Korean national at tangayin ang isang Apple iPhone na nagkakaha­lagang P50,000 nang mabisto sa closed-circuit television (CCTV) came­ra habang papatakas sa Barangay Anunas, Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Reden Nanquil y Santos, 45-anyos, binata, ng 5024 Prince Balagtas St., Barangay Sta. Teresita, Angeles City na nakadetine ngayon sa custodial facility ng Angeles City Police Station 4 matapos makorner at mabawi ang ninakaw na iPhone.

Nakita sa CCTV ang suspek habang tumatakas matapos magnakaw.

Kaagad na nagkasa ng pagpapatrolya ang pulisya hanggang sa makorner ang suspek.