Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korean resto sa QC pasaway, full capacity na

0 76

Tahasan umanong nilalabag ang ipinatutupad na ‘health safety protocols’ dahil sa 100 porsyentong pagtanggap na ng ‘indoor dining’ ng isang Korean restaurant sa Quezon City, nitong Linggo.

Sa naispatan ng GTV, ang hindi pa pinagalanang Korean restaurant ay may 100 porsyento nang akomodasyon ng mga kostumer sa ‘dining’ at wala pang Mayor’s Permit na naka-display sa kanilang establisiyimento.

Ang National Capital Region (NCR) at mga karatig na lalawigan ay nasa ilalim pa ng general community quarantine (GCQ) ng may ‘heightened restrictions’ hanggang June 30 at 20 porsyento lamang ang pinapayagan para sa mga ‘indoor dining’ habang ang ‘outdoor o ‘al fresco dining’ ay 50% lamang ang dapat na kapasidad.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng ipasara ang nasabing restaurant dahil sa mga paglabag nito.

Gayunman, posibleng hindi pa nakakarating sa kaalaman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ginagawang paglabag ng Korean resto kaya wala pang pahayag ang alkalde ukol dito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.