Abante Tonite Interactive

Korean resto sa QC pinasabog

0 240

Nagulantang ang mga bystander at mga residente sa narinig na malakas na pagsabog nang hagisan ng granada ang harapang bahagi ng isang Korean restaurant sa Quezon City kahapon nang madaling-araw.

Sa inisyal na report kay P/Supt. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station ng Quezon City Police District (QCPD), alas-12:40 nang mada­ling-araw (Hulyo 11) nang makarinig ang mga residente ng malakas na pagsabog sa harap ng Chung Mi Rae Korean Restaurant sa Scout Tuazon kanto ng Timog Avenue, South Triangle, QC.

Ayon sa parking boy na si Christopher Isla, natutulog umano siya nang magising sa mala­kas na pagsabog at doon ay isang lala­king nakaitim na t-shirt at maong pants ang nakitang naghagis ng granada sa harapan ng restaurant at mabilis na tumakas.

Wala namang nasaktan sa insidente pero nasira ang dalawang bagong sasakyan na nakaparada sa lugar na isang Toyota Innova na may conduction sticker na YYOO79 at Ford Explorer na may conduction sticker na IM7818.

Sa pagresponde ng mga awtoridad ay nabatid na MK-2 hand granade ang ginamit sa pagpapasabog. (Dolly Cabreza)