Abante Tonite Interactive

Korean Skater nahubaran sa Olympics

14,589

Hindi pinangarap ninuman na tumayo sa harapan ng isang grupo-katao, at bigla na lamang mahubuan.

Ganunpaman, ‘yan ang buong nangyari kay Yura Min sa tinuran niyang nakapanghihilakbot na karanasan. Sa totoong buhay. Sa buong mundo ng television. At sa una pa naman niyang Olympics.

Nag-malfunction ang wardrobe ni Min, sinilang sa Amerika pero South Korea ang kinakatawan sa 23rd Winter Olympic Games 2018 sa Gangneung City, PyeongChang County, South Korea, at nagpakabihasa sa Novi Ice Arena, noong Linggo habang nakikipagkumpitensiya sa figure skating team event.

“Five seconds into the routine, my hook came undone,” nauutal na sabi ni Min.

Hindi lang basta hook.

Ang hook sa likuran ng costume niya ang kumakapit para sa buo niyang katawan.

“I was like, ‘Oh no!’” bigkas niya. “If that comes undone, the whole thing could just pop off. I was terrified the entire program.”

Ano ang gagawin niya? Kailangan bang tumigil at ayusin iyon?

“ I didn’t stop,” patuloy niya. “I went from the beginning to the end. I didn’t stop because you get a deduction if you stop in the middle of a program. In my head, I was thinking, ‘Is it better to stop and fix it and get the deduction or keep going?’”

Sa twizzle routine pa lang, bumaba na ang kasuotan niya.

“Anytime she brought her shoulders in, it came down,” bulalas naman ng partner niyang si Alexander Gamelin. “I only noticed it halfway through. During our twizzle, it came off her shoulder, all of the way. She had to stop and pull it back up and that cost us a bunch of points. It wasn’t because we were skating  poorly.”

Nakatanggap sina Min at Gamelin ng 51.97 points at pumangsiyam sa 10 naglabang koponan.

May pinakamataas na iskor sina Tessa Virtue at Scott Moir ng Canada na 80.51 para sa gold medal.  Silver ang mag-utol na nag-training sa Canton na sina Maia at Alex Shibutani ng Estados Unidos sa 75.46.

“Obviously, there were some things she couldn’t do because her costume came undone,” pangwakas ni Gamelin. “She had to fix it a couple of times. I think the skating was good.”