Abante Tonite Interactive

Koreana ninakawan sa coffee shop

272

By Dolly ­Cabreza

Isang babaeng Korean national ang nasalisihan sa loob ng isang coffee shop sa Quezon City noong Sabado nang hapon.

Kinilala ni Capt. Juan Mortel ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Sun Ok Kim, 57-anyos.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. George Caculba, nangyari ang insidente dakong ala-una namg hapon sa Seattle’s Best Coffee na matatagpuan sa Matalino St., Brgy. Central.

Kasama umano ni Kim ang kanyang mister para mag-coffee break habang nag-aaral at inilagay ang kanyang backpack sa ilalim ng lamesa.

Lingid sa kaalaman ng biktima ay minamatiyagan na sila ng limang kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng isang grupo ng mga salisi na nagpapanggap na mga kostumer at nang makakita ng pagkakataon ay tinangay ang backpack ng biktima.

Naglalaman umano ang backpack ng P10,000 cash at iba pang mahahalagang gamit at dokumento.