Abante Tonite Interactive

Koreano arestado sa nude photo ng GF

371

Inaresto ng mga awtoridad ang isang Korean national matapos umano nitong kuhanan ng hubad na litrato at video ang Pinay na karelasyon habang natutulog sa isang hotel sa Parañaque City.

Nasa kostudiya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-photo and voyeurism Act ang suspek na si Kim Jinseop, 45, nanunuluyan sa Crosswind Hotel, Airport Road, Brgy. Baclaran.

Itinago naman sa pangalang Alyssa ang biktima. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa nasabing hotel, na tinutuluyan ng suspek.

Ipinakita umano ng suspek ang hubad na larawan at video ni Alyssa sa kaibigan nitong si Lea.

Dahil dito, agad na ipinagbigay-alam ni Lea sa biktima ang insidente, na nagtungo naman sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang naturang dayuhan.
(Armida Rico)