Abante Tonite Interactive

Koreano bumulusok mula 21st floor ng Legaspi Towers

By
478

Isang Korean national ang nasawi makaraang bumulusok mula sa ika-21 palapag ng Legaspi Towers sa ­Malate, Maynila kahapon ng hapon.

Nagkalasog-lasog ang katawan ng Koreano na kinilala sa pa­ngalang Euhi Eun Lee, na napag-alaman na pansamantalang nanunuluyan sa Unit 21-B ng nasabing condominium sa panulukan ng Roxas Boulevard at Vito Cruz St., Malate.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong ala-1:10 ng hapon nang maganap ang insidente sa terrace ng Legaspi Towers.

Iniimbestigahan pa ng pulisya kung nagpa­kamatay o may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.