Abante Tonite Interactive

Koreano dedo habang nagka-casino

309

By Juliet de Loza-Cudia

Nasawi ang isang Koreano matapos atakehin sa loob ng isang casino, kamakalawa sa Malate, Maynila.

Nalagutan ng hininga habang inoobserbahan sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si Cho In Gi, 58, Korean national at hindi pa batid kung saan nanunuluyan.

Sa imbestigasyon ni P/MSgt. Jonathan Bautista, ng Manila Police District-homicide section, ala-1:09 ng hapon nang tumawag ang naturang pagamutan sa MPD-Headquarters upang ipaalam ang pagkamatay ng biktima.

Sa nakalap na impormasyon, habang nasa ika-3 palapag ng PAGCOR casino sa Malate ang nasabing dayuhan na naglalaro ng Bacarat ay bigla na lamang itong nag-collapse. Agad naman itong bingyan ng first aid ng house duty nurse na sina Michael Pring at Jomelyn Severa.

Ngunit nang mapansing hindi na gumagalaw ang Koreano ay agad na nila
itong isinugod sa pagamutan pero dakong alas-2:15 nang hapon ay idineklara itong patay.

Wala naman umanong makita na senyales na ito’y sinaktan kaya hinalang inatake ito sa puso.