Abante Tonite Interactive

Koreano, Hapon nagpasiklab sa APT

0 193

ALL-N

Dinaig ni Siyoung Li ng Korea si Iori Yogo ng Japan sa heads up play ng 2019 Asian Poker Tour (APT) Championship Event sa Resorts World Manila para makuha ang prestihiyosong APT championship ring at ang tumatagin­ting na P5,295,900 na premyo.

Pero kahit na kinapos sa Championship Event, nahablot ni Yogo ang APT Player of the Series (POS) award. Ang Main Event winner na si Christopher “Mr. Big Time” Mateo ang paboritong manalo pero naungusan siya ng Hapon matapos ang huling event. Tumapos na may 1,198.44 puntos si Yogo habang meron namang 1,168.38 puntos si Mateo.

Apat na beses kasing nakapasok sa Top 10 si Yogo, kabilang na ang dalawang first place finishes – sa High Rollers at Pot Limit Omaha Hi – at ang second place finish niya sa Championship Event. Maagang nakalamang si Mateo matapos puma­ngalawa sa Dream Maker Event at magwagi sa Main Event pero hindi masyadong malayo ang kanyang naabot sa ibang events.

Dahil sa pagiging POS, nakatanggap ng karagdagang premyo na $800 si Yogo kasama ang exclusive watch at pasadya na POS ring.

Kahit na naungusan sa dulo, masaya pa rin si Mr. Big Time na nakatanggap ng bonus na $100 at ng second place trophy para sa POS race. Hindi biro ang pinagdaanan niya sa Main Event na humatak ng Philippine series record sa APT na 503 entries. Mas malaki pa rin ‘yung main event ng isang serye ng PokerStars Manila noong nakaraang taon na umabot sa mahigit isang libo ang kalahok.

Tama lang din siguro na Koreano ang nagwagi sa Championship Event dahil ang susunod na leg ng APT ay gaganapin sa Seoul, South Korea.