Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Koreano sa telco scam timbog

0 88

Nadakip ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Korean national na wanted sa kanyang bansa sa mga kasong telecommunications fraud.

Naaresto si Jung Inhyeok, 42, ng mga tauhan ng BI Fugitive Search Unit sa Barangay Poblacion, San Fernando, Cebu noong Hunyo 13.

Nalaman na may outstanding warrant of arrest ito sa Interpol National Central Bureau sa Manila na inisyu ng Seoul Western District court nitong Abril 16, 2015.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Si Jung ay inakusahang sangkot sa phone scam syndicate at nakapanloko ng 65M Korean won mula sa kanyang biktima.

Modus operandi nito ang voice phishing na nagpapanggap na bank officials o seller sa call center sa Thailand. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.