Abante Tonite Interactive

Koreano todas sa saksak ng naka-sex na beki

0 196

Namatay ang isang turistang Korean national sa Boracay matapos saksakin ng isa sa nakatalik nito nang magkaonsehan umano sa magiging kabayaran.

Batay sa imbestigasyon ng Malay Police Station, pinagsasaksak umano ng suspek na si Carlito Alegado alyas Kylie, 21, kasalukuyang naninirahan sa isang apartment sa Brgy. Manoc-Manoc, Malay, Aklan.

Bago ang krimen, nagkakilala umano si Alegado at ang hindi pa nakikilalang dayuhan sa isang resort kung saan naghatid ng guest ang suspek.

Abante Hiring – IT dep

Naging magkaibigan umano ang suspek at biktima hanggang magkayayaan ng inuman kasama ang isang pang hindi pa nakikilalang lalaki na tulad ng suspek ay miyembro ng LGBT community.

Matapos malasing ay nagkayayaan umano ang tatlo ng threesome sex at nagkasundo sa halagang P3,000.

Pero matapos ay hindi umano nagbayad ang dayuuhan kaya nagalit ang suspek at pinagsasaksak ito.

Agad ding naaresto si Alegado at nasa kustodiya na ng pulisya.