Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina bagong katapat ni Vicky

0 157

Noong nasa ABS-CBN pa si Korina Sanchez at ang programa niyang Rated K, ang multi-awarded broadcast journalist na si Jessica Soho ang katapat niya.

Katunayan, madalas na pinagsasabong ang mga programa nila kaya naman madalas pabonggahan din sila ng mga kuwentong itinatampok sa kanilang shows.

Ngayong wala na ang misis ni Mar Roxas sa Kapamilya channel, eentra naman siya sa TV 5 .

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Sabado na ang simula ng airing ng kanyang magazine show pero hindi si Jessica Soho ang makakatapat niya, kundi ang dating fairy godmother na naging “Ate ng Bayan” sa reality show nitong “Ilaban Natin Iyan!” sa GMA-7.

Sey ng netizens, kung hindi raw kinaya ni Korina si Jessica sa ratings game, this time, kaya ay masilat niya ang korona kay Mareng Vicky?

Ngayon pa lang, inaabangan na kung aling programa ang tatangkilikin ng madlang pipol: ang kay Korina o ang o kay Vicky? (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.