Abante Tonite Interactive

Korina bet masira ang ulo sa bahay kesa mamatay sa ospital

700

NI: RONA RONDA

Pabor si Korina Sanchez na ma-extend ang enhanced community quarantine. Ibinahagi niya ang kanyang opinyon sa Instagram.

Aniya, “Ok. So you want the lockdown lifted? Everyone does. But should it be? Let’s poll.

My vote is that we stay locked down until it is truly safe.”

Sey pa niya, “I told my friend, mabuti na ang masira ang ulo sa loob ng bahay kaysa mamatay sa ospital. Even as lockdown is lifted, big assemblies should still be regulated. Social distancing still observed and masks still worn.”

“Most importantly, sana wala nang magkasakit at bawian nang buhay. What do YOU think? #DeathToCorona #1WithTheWorld,” dagdag pa niya.

Abala rin naman si Korina sa pag-aalaga sa pamilya niya at sa kanyang kambal na sina Pepe at Pilar.

Samantala, inaprubahan na ni Pangulong Duterte nitong Martes, April 7 ang extension ng lockdown sa Luzon hanggang April 30.

Tonite – Wendys Inhouse Ad