Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina ‘di ubra na reyna ng TV5

0 361

NI:ARCHIE LIAO

Iba’t-iba ang reaksyon ng mga netizen sa pag-entra ni Korina Sanchez sa TV5.

Mapapanood na kasi ang kanyang magazine show na Rated Korina sa nasabing channel .

Sey ng mga netizen, hindi raw masasabing talent ng TV5 ang beteranang broadcast journalist dahil blocktimer ang show.

Ang inaabangan daw sana ay kunin mismo ni MVP ang misis ni Mar Roxas para maging official na Kapatid.

Hirit naman ng iba, malabo raw mangyari iyon dahil hindi raw puwedeng magreyna sa TV5 si Korina.

Kung ang mga katunggali niyang sina Jessica Soho ng KMJS at Mel Tiangco ng 24 Oras ang itinuturing na mga reyna ng GMA News, teritoryo raw naman ng award-winning journalist na si Luchi Cruz Valdes ang TV5.

Pang-iintriga ng ilan, pasasakop daw ba si Korina kay Luchi kahit matagal na silang magkakilala?

Leave A Reply

Your email address will not be published.