Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina ipapadala sa ibang planeta ang mga nega

0 50

NI: MILDRED BACUD

Special guest ng Politiko si Ms. Korina Sanchez. Alam naman natin na isa rin sa mga personalidad na paboritong i-bash ng ibang netizens ang nasabing broadcaster.

Pero sa maraming pagkakataon ay pumapatol talaga si Korina sa kanila.

Tinanong siya kung ano ang reaksyon niya sa mga basher ? “Maraming mga nega, gusto kong ipadeport sa ibang planeta.”

Nang tumakbo raw ang asawang si Mar Roxas nu’ng nakaraan eleksyon ay marami siyang pambabatikos na natanggap.

SM food to go Banner Ad

” Naku gusto mo lang maging first lady. Oo gusto kong manilbihan. Naramdaman ko ang mga troll na yan.

Dagdag pa niya, “Respetuhan na lang ng propesyon. Nirerespeto ko ang propesyon ng mga kawawang batang ‘yan na binabayaran para magpakanega.

” Kawawa rin naman ang mga magulang ng mga batang ‘yan na binabayaran para magpakanega at manira ng buhay ng tao.

” Eh pabayaan mo na sila malalaki na sila. Desisyon nila ‘yun at desisyon ko rin na huwag na silang pagpapansinin,” sambit niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.