Abante Tonite Interactive

Korina kambal ang anak? 

634
tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
“Kung si Joel Cruz nabiyayaan ng sangrekwang anak, siya pa ba?” Ang diva that you love, iyan ang reaksyon matapos may mag-chika sa akin na ang isang female broadcaster at ang isang dating presidential aspirant ay magkakaanak sooner than soon.

 

Ang add on chika pa, malaki raw ang posibilidad na kambal ang magiging anak. Si­yempre, hindi kambal karibal, mas lalong hindi kambal sa uma, wonder twins ang mga ito. Sa isang portal, ginawa nila itong bulag na chika. May isa na akong napagkuwentuhan tungkol sa bagay na ito, umarte ang hitad na walang halong katotohanan ang chika.

 

Kaya nga ang diva that you love, ang daming mga tanong. Nagugulumihan ako kung totoo nga ka­yang papuputukin ang pregnancy news na ito ngayong simula na talaga ang kampanyahan season?

 

Pangalawang tanong, may semblance of truth and nothing but the truth nga ba ang chika mula sa aking impeachable source, nakakatuliro ba talaga kung sakaling si Korina Sanchez ay magiging mommy dearest soon?

 

Kung sino man ang maaaring sumagot sa mga katunungan at kung sino nga ba ang makakapag­linaw sa bonggang-bonggang news na ito, naka-public po ang aking social media site. Bukas po ito para sa inyong sagot, kumpirmasyon o mariing pagtanggi.

 

Related Posts
Puwede niyo rin naman akong dedmahin with matching malay ko, pakialam ko sa iyo at mauunawaan ko ang ‘di niyo pagpansin. Nagtatanong lang po.

 

Maja nakipagbalikan sa ex-dyowa

 

 

May katotohanan nga kaya na love is indeed lovelier the second time around? Kasi nga, sa kanyang Instagram account, marami ang pumansin sa larawang ibinalandra ni Maja Salvador.

 

Super ganda ang Pambansang Harot sa mga larawan,  the look of love is in her eyes, pati rin ang lalaking kanyang kahawak kamay at may isa pa ngang kuha na hindi nila puwedeng itanggi ang kanilang closeness, kasi nga ang hombrelicious, parang naglalambing kay Maja, nakahilig ito na malapit sa dibdib ng aktres.

 

Ayon sa mga dalahira, katkatera at sitsit, ex-boyfriend ni Salvador ang binatang very charming. Itatago na lang nating siya sa ngalang Randy Nunez. Siya nga rin kaya ang ex na tinutukoy ni Salvador sa isa niya pang social media post na ang pasorpresa ay bouquet of red roses? Ang sweet, huh!

 

 

Kung ang drama nga nila ngayon ay and now they are starting over again and reunited and it feels so good, panalong-panalo naman talaga ang chikang ito.

 

 

Bakit ‘ka n’yo? Kasi nga, may history na sila together, mas alam nila how to deal with each other better, tapos na sila sa getting to know each other stage and they don’t have to put their best foot and faces forward. Isa pa, the time apart from each other gave them sufficient experiences para mas maging emotionally healthy and mature.

 

Kung pagbabasehan ang mga larawang sila ay magkasama, parang nasa happy and stable place na sila. Mabuhay ang bagong kasal na nga ba ang kasunod kung sakaling nagkabalikan na nga sila?