Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina lilipat sa TV5

0 2,904

Lilipat na nga ba sa TV5 ang isang may ‘K’ na Kapamilya?!

From a very reliable source ay napag-alaman ng Abante TONITE na nag-pitch na raw ang kampo ni Korina Sanchez-Roxas ng magiging show nito sa TV5.

Ayon sa aming source, posibleng ang long-running news-magazine show ni Korina na “Rated K” ang dalhin niya sa TV5 o puwede rin namang bagong programa.

Inabot ng 16 years sa ere ang nasabing award-winning show ni Korina na nagsimula nu’ng May 2004 at nahinto ang airing nito lang May 2020 dahil sa pagpapasara ng NTC sa Kapamilya network matapos mag-expire ang prangkisa nito.

As we all know, hindi inaprubahan ng Kongreso ang franchise renewal ng ABS-CBN kaya ang daming nawalan ng trabaho sa nasabing network kabilang na ang mga taga-News & Current Affairs na tulad ni Korina.

Kung matutuloy ay ito ang first time ever na mapapanood sa ibang TV network ang 55-anyos na broadcast journalist matapos ang mahigit tatlong dekada niya sa ABS-CBN.

Sa isang Instagram post ni Korina na kasama niya sa group photo ang kanyang “Rated K” team, ang sabi niya sa caption ay, “Kidding? No way. Rated K will live on one way or another. For us. For YOU.

“Catch us every Sunday at 6:45 pm in the Rated K Facebook Page. And then abangan ang susunod na kabanata. Nandito lang kami. Para sa inyo. The Big News in Small Lives. Ito ang kuwento ng buhay ninyo.”

Sa TV5 nga kaya magpapatuloy ang bagong kabanata sa buhay ng batikang TV host? Abangan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.