Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina, Liz, Grace nagluluksa

0 268

Pahayag ni Philippine diva of the highest order Celeste Legaspi sa Facebook: “I am so sad. The best president we had has passed away. Left us in this difficult times…” Ang presidenteng tinutukoy niya siyempre pa.ay ang ika-labinglimang pangulo na namuno sa ating Republika, si Presidente Benigno Simeon Aquino III, o mas kilala bilang Pres. Noy, PNoy, o Kuya Noy ni Kris Aquino.

Malaki ang showbiz connect ni Noynoy dahil nga maliban sa kanyang bunsong kapatid, makailang ulit siyang naging malapit sa ilang mga babae sa showbiz, politika at ka-level niya sa Manila’s remaining 100.

Bukas na aklat at kasaysayan ang kanyang pagiging maginoo kina Korina Sanchez, Grace Lee, Bernadette Sembrano, Liz Uy, Maricel Morales at Barbara Milano.

Naging malapit rin sila ni Shalani Soledad at umugong pa nga dati na shoo-in na ang pagiging First Lady nito.
Huwag na nating pangalanan pa ang mga rich and famous women who also caught his attention and sparked romance rumors kasi nga mga tunay na alta.

Ano nga kaya ang damdamin ng mga babaing ito na minsan ay naging malapit o maaring naging apple of the eye ni dating pangulo Noynoy?

Ang Digital Empress Kris Aquino, may opisyal na pahayag kaya tungkol sa pangyayari? At ang panganay niyang anak na si Joshua Aquino, na parang ama-amahan ang turing kay PNoy, paano kaya ipnaliwanag sa kanya ang kaganapan at paano niya ito tinanggap?

Sadyang nakakalungkot at nakakabigla ang pangyayaring ito. Ang diva that you love at buong Abante TONITE, taos pusong pakikirmay at mahigpit na yakap.


Nadine concert posibleng matigbak

Tuloy o tigil nga ba ang paparating na concert ni Nadine Lustre na may pamagat na “Absolute Madness?”

SM SuperKidsDay Banner Ad

May legal opinyong kasing pinalulutang na ang pamunuan ni Lustre, eh pwedeng maghain ng “contempt of court” case laban sa aktres dahil nga sa virtual concert na malapit na ang pagtatanghal.

Walang duda na the plot continues to throb and thicken sa karera ni Nadine Lustre. Kung ano ang susunod na kabanata at pangyayari sa kanyang konsyerto at mga legal na pakikipaglaban, mainam talagang subaybayan at pag aralan dahil maraming aral na matutuhan, huh!


Kim ‘hihiwalayan’ na ni Xian

Kung go for gold na talaga ang pagiging Kapuso ni Xian Lim, ibig sabihin pa nito, ang “love team for reel” nila ay talagang matutuldukan na at ang pagsasama nila sa mga proyekto ay may tandang pandamdam na rin?

Kaya naman pala ganun na lang ang rest and recreation at together time nina Lim at Chiu, parang pahara-hara sila kung saan-saan, spending quality mag-jowa time together dahil nga maghihiwalay na ang dekolor at puti nila, sa aspekto ng kanilang mga karera.

At kung totoo at walang halong kiyeme latik ang pagiging ka-Siyete ni Alexander Xian, walang halong pag-iimbot at buong katapatan din kaya ang chika na ang una niyang makakaperaha ay ang original StarStruck superstar Jennlyn Mercado?

Ngayong may chikang Kapuso na diumano si Xian, panahon na kaya para makapanood tayo ng mga dramang pang-alta ang setting at mga kaganapan?’Yung dramang high camp ala-“Dynasty,” erotic at juvenile ala-“Elite” o period drama ala-“Bridgerton” dahil nga alam naman nating lahat na yayamanin, culturati at literati ang aktor na isa sa mga bida sa “Yorme.”

O ,sa GMA 7 mangyayari ang inaasam-asam ni Xian Lim na TV series na written and directed by him? Sa roles, ang gustong gawin ni Alexander ay baliin ang kanyang matinee idol at fashion forward packaging and sink his teeth to a role na tulad nung ginawa niya sa “Untrue.”

Kung matutuloy ang pagiging Kapuso ni Xian, panalong-panalo ang career upgrade na ito, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.