Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina nawirduhan kay Lloydie

0 1,114

Sa Facebook page ni John Lloyd Cruz at maging ng writer, entertainment journalist at online talk show host na si G3 San Diego, may pasilip kung ano ang dapat asahan sa interview ng huli sa una.

May quote rito ang comebacking actor kung saan ipinaliwanag niya kung bakit naisipan niyang magkaroon ng self-imposed hiatus sa showbiz at kung bakit siya nagbabalik.

Dahil dito, umani ng samu’t-saring reaksyon ang kanyang naging pahayag mula sa netizen at maging sa iba’t-ibang celebrities.

Sey ni Lloydie, hindi raw siya napagod kaya pansamantala siyang nag-quit sa showbiz kundi dumating lang siya sa punto na may hinahanap siya.

Sa paghahanap niya na iyon, nakita raw niya ang enlightenment at doon luminaw sa kanya ang lahat particularly ang purpose niya bilang tao at artista.

Sa kaso ng broadcast journalist na si Korina Sanchez, sa halip na maliwanagan ay mas nalito pa siya sa pahayag ng actor.

“Hindi ko maintindihan,” reaksyon ni Korina sa post ni G3 na tila nawerduhan.

Ilan namang kibitzers ang nagtatanong, all the while ba, hindi malinaw sa actor ang direksyong tinatahak niya nang pasukin niya ang pag-aartista.

Kung na-disillusioned siya sa pag-aartista, bakit daw hinahanap-hanap niya ito at nagbabalik siya sa sirkulasyon.

Puwede raw namang sabihin nitong nag-recharge siya o nagbakasyon lang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Darren ayaw ng momol

Sa isang panayam, naurirat ang total performer at biriterong si Darren Espanto kung papipiliin ba siya kung ano ang gusto niya, kiss o hug.

Ani Darren, hindi raw siya ganoon ka-demonstrative na tao kaya mas preferred niya ang hug.

Katunayan sa mga magulang niya, mga kapatid at maging close friends, hindi siya ma-I love you.

Although wala naman siyang nakikitang masama sa kissing, hindi raw siya iyong tipong ipinakikita ang kanyang affection sa paghalik.

Wala naman daw siyang nakitang masama sa mga magkasintahang showy sa paghalik sa isa’t-isa dahil inirerespeto raw niya kung trip nila ito.

Bagamat walang tinumbok kung sino ang nagpapasaya sa kanya ngayon, para sa kanya masarap ang feeling ng may kayakap.

Hindi rin siya naniniwala sa fling kesehodang sabihin pang old school siya o conservative.

Sa tanong naman kung may mga nakatrabaho na siya before na feel niya na hindi siya gusto o binigyan siyang ng cold-shoulder treatment, hindi naman ito ikinaila ng Fil-Canadian crooner.

Sa ganoong pagkakataon daw, kailangang manaig na lang daw ang pagiging propesyonal ng isang tao dahil naniniwala siya sa kasabihang “we can not please everybody.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.