Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Korina never tinalo si Jessica

0 117

NI: ARCHIE LIAO

Nakapanayam ni Tim.Yap sa kanyang online show ang beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Taliwas sa mga napabalita, nilinaw niya na hindi siya ni-retrench ng Dos na nawalan ng prangkisa noong Hulyo pagkatapos ideny ito sa plenaryo sa Mababang Kapulungan.

“First of all, I wasn’t retrenched, contrary to some of the headlines. No, I wasn’t retrenched because I was able to negotiate a really good retirement package with Mr. Gabby Lopez three years ago,” pahayag niya.

Hirit pa niya, nang magretiro raw siya bago pa man magkaroon ng problema ang ABS-CBN sa prangkisa nito, binigyan daw siya ng generous retirement ni Gabby Lopez.

“I was able to get a really generous package three years ago, so hindi na nila ko pwedeng i-retrench kasi nakapag-retire na ako three years ago,” esplika niya.

Humingi rin daw siya ng permiso sa kanyang home network na dalhin sa ibang plataporma ang kanyang magazine show na “Rated K” sa kanyang pag-alis na pinagbigyan naman ng mga ehekutibo ng Dos.

“On the condition of ‘Rated K’ staff, and Rated K has been number one for 15 years, we were able to amass millions of followers on our Facebook,” giit niya. “So, I was telling Ging Reyes, the head of news, ‘O baka naman pwede mo kaming pagbigyan na sa akin na lang, I take over the page, I finance the production of the continuation of ‘Rated K’ online doon sa Facebook page,’ and she agreed. So now, we were able to watch ‘Rated K’ every Sunday on ‘Rated Korina’ page every Sunday,” dugtong niya.

Sa huling sinabi niyang number one sa ratings ang Rated K, inalmahan siya ng mga netizen na nagsabing never nitong tinalo sa ratings game ang KMJS ni Jessica Soho.

Pero imposible ‘yun dahil sa Kantar mataas ang ratings ng Rated K. At nu’ng panahong magkatapat ang programa nila may mga pagkakataon na nauungusan nila ang isa’t isa sa ratings.

Hirit pa nila, pagdating daw sa content at maging sa awards, never tinalo ni Korina si Jessica. (Aba’y importanteng magbilangan muna ng trophy!ha!haha!Pareho silang maraming award-ED)

Ano kaya ang reaksyon ni Ate Koring dito?

Leave A Reply

Your email address will not be published.